Lunes, Oktubre 21, 2013

                                                                                                   KALIKASAN

                                              Dahil sa pangangailangan ng tao na mabuhay, gumawa siya ng paraan upang magamit ang mga yaman ng kalikasan. Ilan dito ang mayamang kagubatang na may ibat-ibang uri ng punongkahoy, ibon at hayop, ang yaman ng karagatan na pinagkukunan ng iba't-ibang yamang dagat. Subalit ang ipinagmamalaki nating mga likas na yama'y unti-unti nang naglalaho. Sa kasalukuyan, patuloy pa ring pinuputol ang mga puno sa ating mga kagubatan. Bunga ng pagkawala ng mga puno, nawawala na rin ang mga ibon at mga hayop na naninirahan dito.Wala na ang mga ugat ng mga punongkahoy na sumisipsip ng tubig kayat madalas ang pagbaha.Ang mga tao ay matigas na ang ulo kaya kung saan-saan na sila nagtatapon ng basura na sanhi ng pagkasira ng mga yamang tubig at pagkamatay ng isda. Sa gitna ng mga biyayang tinatamasa natin mula sa kalikasan, unti-unti naman nating nalilimutan na may tungkulin din tayo sa kalikasan. Hindi natin binigyang pansin ang pinagkukunang ito ng ating ikinabubuhay. Nalimutan nating magtanim ng mga bagong puno at halaman kapalit ng mga ginamit natin. Sinunog din natin ang kagubatan para sa sariling intensyon natin na nagdulot ng baha at pagguho ng lupa. Gumamit din ang mga tao ng nakapipinsalang paraan sa pangingisda tulad ng paggamit ng dinamita at pinong lambat na nagdulot ng pagkamatay ng mga maliliit na isda. Nararapat na tayong kumilos ngayon habang may natitira pang yaman ang kalikasan. Isipin natin ang darating pang panahon na maaaring na wala nang matamasang sariwang hangin dahil sa mga puno at wala na ring makitang ibon sa himpapawid. Baka wala na rin tayong mahuling iba't-ibang uri ng isda na pinagkukunan natin ng yaman. Harapin natin ang ating tungkulin na pangalagaan at ingatan ang ating kalikasan kasabay ng ating pag-unlad.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento